10 December 2025
Muling iginiit ng Malacañang nitong Miyerkules na ang malaking bahagi ng sobrang pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na nagkakahalaga ng PhP60 bilyon ay inilaan sa mahahalagang programang pangkalusugan at social services na direktang pinakinabangan ng publiko.
Sa isang press briefing sa Palasyo, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na itinanggi ng Department of Health (DOH) ang alegasyon ng ilang sektor hinggil sa maling paggamit ng pondo. Ipinunto niya na ang malaking bahagi ng nasabing halaga ay inilagak sa iba’t ibang programa ng gobyerno, kabilang ang Health Emergency Allowance (HEA).
“Ayon sa report ng DOH noong Martes, umabot sa halos 6 million na healthcare workers ang nakinabang sa nasabing programa ng PhilHealth,” ani Castro
Ayon kay Castro, ang HEA ay ibinigay sa mga medical frontliners na nagsilbi sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Bukod sa HEA, ginamit din aniya ang pondo para sa medical assistance sa mga indigent at kapus-palad na pasyente, pagbili ng medical equipment para sa mga ospital ng DOH, mga ospital ng lokal na pamahalaan, at mga primary care facilities.
Binigyang diin ng Palace Officer na ang malaking halagang ng nasabing pondo ay napunta sa tatlong health facilities ng DOH at Health Facilities Enhancement Program (HFEP).
“Dahil sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., walang pera ng taumbayan ang masasayang — lahat ay napupunta sa makabuluhang programa na naglalayong maiangat ang kalidad ng pamumuhay, lalo na ang kalusugan ng bawat mamamayan,”
Kamakailan, iniutos ng Korte Suprema ang pagsasauli ng PhP60 bilyong pondo ng PhilHealth na na-remit sa national treasury noong 2024, pabalik sa state insurer. Ang halagang ito ay bahagi ng tinatayang PhP89.9 bilyong “excess funds” na nakatakdang ilipat sa national treasury.
Noong Setyembre 20, 2025, inutos ni Pangulong Marcos na ibalik sa PhilHealth ang PhP60 bilyong pondo, bilang pagkilala sa mas mahusay na trabaho ng ahensiya at dagdag na benepisyo para sa mga miyembro. | PND
13 December 2025
12 December 2025
12 December 2025
12 December 2025
12 December 2025
12 December 2025
12 December 2025
12 December 2025
11 December 2025
11 December 2025
11 December 2025
11 December 2025
11 December 2025
11 December 2025
10 December 2025
10 December 2025
10 December 2025
10 December 2025
10 December 2025
10 December 2025