30 November 2025
Nalugod ang Malacañang sa naging mapayapang mga kilos-protesta sa iba’t ibang panig ng bansa, at muling iginiit ang pangako ng administrasyon na pangalagaan ang karapatan ng mamamayan sa malayang pagpapahayag at mapayapang pagtitipon.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Dave Gomez, patuloy na iginagalang ng pamahalaan ang mga demokratikong karapatang ito habang binabantayan ang mga demonstrasyon upang matiyak na nananatili ang kaayusan.
“Well, so far natutuwa kami sa ating mga rallies. Nasabi na ng ibang tagapagsalita natin ang ang administrasyon ay naniniwala sa freedom of expression at pinoprotektahan natin ‘yung right ng ating mga mamamayan to peaceably assemble. At natutuwa nga kami na so far, peaceful ‘yung ating mga rallies na nakikita,” sinabi ni Gomez sa isang panayam sa One News nitong Linggo.
Sinabi ni Gomez na sa Palasyo minonitor ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang sitwasyon habang nagsagawa ng mga kilos-protesta sa Luneta at Mendiola sa Maynila, at sa People’s Monument sa EDSA, na nananawagan na dapat panagutan ng mga sangkot ang maanomalyang flood control projects.
Bagama’t iginagalang ng Palasyo ang karapatan ng publiko sa mapayapang pagtitipon, binigyang-diin ni Gomez na nagsagawa ng kaukulang mga pag-iingat at paghahanda ang mga awtoridad para manatiling ligtas ang idinaos na mga rally.
Sinuri ng mga awtoridad ang mga raliyistang nakasuot ng facemask, hindi para harangin sila sa protesta kundi para maiwasan ang mga nagtatangkang manggulo sa kanilang hanay gaya ng nangyari noong nagdaang mga demonstrasyon.
“Natuto na tayo noong September 21 rally na ’yung Black Mask Movement, sila ‘yung nagpasimuno ng mga gulo. So, naninigurado lang tayo na hindi ma infiltrate ‘yung ating mapayapang mga rally ng mga taong out to foment chaos and violence. At pagkatapos naman sila sitahin, interviewhin, pinapalaya din naman sila,” dagdag pa ng PCO chief.
Binigyang-diin ni Gomez na ang nasabing ginawang pagsusuri sa mga raliyistang nakasuot ng face mask ay bahagi ng natural na tungkulin ng pulisya na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan. “So kung merong kaduda-duda na mga personalidad, dapat lang naman siguro i-check nila para lang sa safety and security ng mga nakararami.”
Dagdag pa niya, matapos ang maikling pagsusuri at panayam, pinalaya ang mga raliyista at hindi sila ikinulong.
“Naniniguro lang tayo. Alam mo naman ‘yung kasabihan na fool me once, shame on you, fool me twice, shame on me. Para naman tayo hindi natuto noong September 21, ‘yan lang naman. Gusto lang natin pangalagaan ang peace and order,” dagdag pa ni Gomez. | PND
1 December 2025
1 December 2025
1 December 2025
1 December 2025
1 December 2025
1 December 2025
30 November 2025
30 November 2025
30 November 2025
30 November 2025
30 November 2025
30 November 2025
29 November 2025
28 November 2025
28 November 2025
28 November 2025
28 November 2025
28 November 2025
28 November 2025
27 November 2025