30 November 2025
Tiniyak ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez na masusing binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga kilos-protesta na dulot ng kontrobersya sa korapsyon sa flood control projects.
Binigyang-diin ni Gomez na determinado ang Pangulo na panagutin ang mga sangkot sa anomalya na siya mismo ang naglantad.
“Binabantayan ng Pangulo at ng buong administrasyon ang mga rally. Kami in the government, we respect the people’s right to peaceably assemble and express their anger over these flood control. Kaisa nila kami,” sinabi ni Gomez sa panayam sa ANC nitong Linggo.
“Ito (protest actions) ay parte ng kanilang freedom of speech. So kami patuloy lang nagmo-monitor at sana manatiling mapayapa ‘yung mga rally at maging vigilant lang tayo na bantayan natin ‘yung ating mga hanay sa mga may masamang balak na manggulo,” dagdag ng PCO chief.
Nagkaroon ng mga kilos-protesta sa Luneta at Mendiola sa Maynila, at sa People’s Monument sa EDSA, na nananawagan ng pananagutan sa mga iregularidad sa flood control projects.
Ayon kay Gomez, hindi madidistract ang Pangulo sa mga panawagan ng mas malawak na accountability kaugnay ng iskandalo.
“The President will not be distracted by any of these calls for him to step down, to resign. He will finish the job, the job that he began. If you remember, it was the President himself who blew the whistle on these flood control anomalies in his ‘Mahiya naman kayo’ SONA (State of the Nation Address),” sabi pa ni Gomez.
“(President Marcos) is not blinking and he will see this through. He will finish this. At sabi nga ng ating Pangulo, ‘Sinimulan ko ito, tapapusin ko ito,” pahayag pa ng PCO chief.
Kasabay nito, kinilala ng Palasyo ang lumalaking pagkadismaya ng publiko sa flood control scandal at ang mga protesta sa iba’t ibang panig ng bansa, pero tiniyak ang pangakong seryoso at responsableng pagtugon at pagresolba sa isyu.
“Ramdam namin ‘yung galit ng mga tao. Ramdam rin namin ang kanilang pagkainip. Sa mga dumadalo sa rally at mga dadalo pa sa mga ibang pagtitipon. Ito lang ang masasabi ko, we feel you, we hear you, and we will not disappoint you. Tandaan lang natin, kailangan natin obserbahan ng due process sa lahat ng ito,” ang sabi ng PCO chief.
Binigyang-diin ni Gomez na umabot ng halos isang taon bago nakapagsampa ng kaso sa nakaraang Priority Development Assistance Fund (PDAF) scandal.
Ilang buwan lamang matapos ang 4th SONA ni Pangulong Marcos noon Hulyo, inirekomenda na ng Office of the Ombudsman at ng Independent Commission for Infrastructure ang pagsasampa ng mga kaso ng graft at nakapagpakulong na ng ilang sangkot sa mga ghost at anomalous flood control projects.
“Ngayon tatlong buwan pa lang simula nung binunyag ng ating Pangulo ito at marami nang nakasuhan at marami pang makakasuhan at meron ng mga nakulong at pangako nga ng Pangulo natin, bago mag-Pasko, mas marami pang makukulong. Kasama na dyan ‘yung mga tinatawag nilang big fish,” diin ni Gomez.
Dagdag pa ni Gomez, “Ang importante lang talaga, mapatibay natin ‘yung ating mga ebidensya sa ating case build-up para this time around walang makakalusot sa mga nagnakaw sa bayan. Sisiguraduhin natin mananagot sila at mababawi natin yung kanilang mga ninakaw.”
Iginiit ni Gomez na hindi bibigyang-pansin ng Pangulo ang alegasyon ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co, isa sa mga akusado sa kaso sa flood control. Sinabi ni Gomez na dapat bumalik sa bansa si Co upang harapin ang kanyang arrest warrant at patunayan sa ilalim ng panunumpa ang lahat ng kanyang sinasabi. | PND
1 December 2025
1 December 2025
1 December 2025
1 December 2025
1 December 2025
1 December 2025
30 November 2025
30 November 2025
30 November 2025
30 November 2025
30 November 2025
30 November 2025
29 November 2025
28 November 2025
28 November 2025
28 November 2025
28 November 2025
28 November 2025
28 November 2025
27 November 2025