Thumbnail

PBBM, iniutos ang learning continuity measures sa gitna ng ulan, haze

4 September 2026


Iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapatupad ng alternative learning modes at learning continuity measures sa September 4 sa mga paaralang apektado ng pinalakas na Southwest Monsoon o Habagat at haze mula sa matitinding sunog sa kagubatan at peatland sa Indonesia.

Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 134 na inilabas September 4, ipatutupad ang mga hakbang sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa National Capital Region at sa mga lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Benguet, Zambales, Bataan, Bulacan, Tarlac, Pampanga, Cavite, Laguna, Batangas at Occidental Mindoro.

Inilabas ang kautusan kasunod ng rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), dahil inaasahang magpapatuloy ang malalakas na pag-ulan dulot ng enhanced Southwest Monsoon at mahinang kalidad ng hangin dahil sa haze mula sa matitinding sunog sa kagubatan at peatland sa Kalimantan at Sumatra, Indonesia.

Maaari ring magpatupad ang mga local chief executive sa ibang lugar ng localized cancellation o suspension of classes alinsunod sa umiiral na mga batas, patakaran at regulasyon.

Nilagdaan ito ni Acting Executive Secretary Ralph G. Recto sa bisa ng awtoridad ng Pangulo. | PND